emcrazyforyou:
Bestfriend na parating nandiyan para sayo. Ang sarap sa pakiramdam kapag may isang taong nandiyan parati sa tabi mo para makinig at samahan ka kahit san ka magpunta. ‘Yung Bestfriend na hindi nangiiwan, Bestfriend na makakasama mo sa oras ng lungkot, saya, tawanan, inis o anu pa man. Isang Bestfriend na masasabi mo lahat ng hinanakit mo kasi kapag siya ang kausap mo alam mong naiintindihan ka niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na may isang taong alam mong nandiyan parati para sayo, yung hindi ka iiwan at sasaktan. Yung poprotektahan ka sa abot ng makakaya niya. Bestfriend na maaasahan mo sa mga oras na kailangan mo siya.